Kung gabi ang dilim ay laganap na
at mata ng daigdig ay nabulag na
sa ng harap ng aking wari’y kawalan
init mo ang aking nararamdaman
parang apoy ang init mo sa magdamag
Saan man naroroon ay mayroong halik
pagdampi sa iyo ay magdirikit
sumisigaw ang aking bawat sandali
nadama pag-ibig mo na kay sidhi
parang apoy ang init mo sa magdamag
Kung langit sa atin ay ipagkait
dito sa init mo’y muling makakamit
walang hanggang pag-ibig na may luha at tamis
nasan ka? Pagsaluhan natin ang init sa magdamag
Saan man naroroon ay mayroong halik (sa bisig mo’y sabik)
pagdampi sa iyo ay magdirikit (sa init ng halik)
sumisigaw ang aking bawat sandali (may luha at tamis)
nadama pag-ibig mo na kay sidhi
parang apoy ang init mo sa mag-damag
Kung langit sa atin ay ipagkait (ang apoy sa magdamag)
dito sa init mo’y muling makakamit (ang init mo ang langit mo’y hinahanap)
walang hanggang pag-ibig na may luha at tamis
nasan ka? Pagsaluhan natin ang init sa magdamag
Kung langit sa atin ay ipagkait
dito sa init mo’y muling makakamit
walang hanggang pag-ibig na may luha at tamis
nasan ka? Pagsaluhan natin ang init sa magdamag
Sharon Cuneta: Init sa magdamag
Aug 3, 2007
Posted by Webmaster at 3:19 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment