Wolfgang: Natutulog kong mundo

Aug 3, 2007

At naglaho ang liwanag sa dilim
Walang ingay ngunit nakakabingi

Bote ng alak na hindi nabuksan
Mga sigarilyong ubos na ang apoy

Kaibigan saan ka na ngayon
Ako’y naghihintay rito
Sa pagdating ninyo
Kaibigan ilang oras ang lumipas na
At wala pa ang anino ninyo lamang

Kaibigang tunay ka ba
Wala na ba ngayon ang samahan natin

Wala na bang kwento, ang tahimik naman dito
Tumatawag walang sumasagot

Nagsisisi, may kasalanan ba ako
Habang ikaw ay nandito

Kaibigan
Tulungan n’yo ako upang magising
Ang natutulog kong mundo

0 comments: