Yvan Lambatan: Bagong umaga

Aug 3, 2007

Sa paglipas ng mga araw
Alaala mo laging tanaw
Sa pagikot ng bawat oras
Kapiling kay tangi kong dasal
Sa pag-gising sana'y kayakap ka
Sa bawat bagong umaga

Lagi kong nakikita
Masasayang mga alaala
Tanging ikaw ang kasama
Bawat sandali ay anong saya
Sa pag-sapit ng gabi
Sana'y kapiling kita

Chorus:
At sa bawat pag-idlip ay hinahanap ka
Higpit ng yakap mo, tamis ng 'yong halik
At sa bawat panaginip nakikita ka
Higpit ng yakap mo aking nadarama
Sa bagong umaga
Sa bagong umaga

Lagi kong nadarama
Sa aking pag-iisa
Puso ay umaasa
Na sana'y muli kang makita
Bawat oras laman ng isipan
Kahit saan magpunta

Repeat Chorus

0 comments: