Vina Morales: Sana'y dumating ka na

Aug 3, 2007

Sabi ng marami, pag-ibig 'di dapat hanapin
'Pagkat kusa s'yang darating
Ewan ko ba at parang kay tagal
Ngunit ako'y 'di nawawalan ng pag-asa

CHORUS
Sana'y dumating ka na
Ikaw na para sa akin ang nakatadhana
Sana'y (sana'y) dumating ka na (dumating ka na)
Kung sa'ng lupalop man at kung sino ka man laan sa akin
Sana'y dumating ka na


Sabi ng marami, ano nga ba ang malay natin
Baka nar'yan lang siya sa tabi-tabi, oh
'Di man hinahanap ngunit 'di kinakaila
Sa puso ko, ito'ng laging dalangin (ito ang laging dalangin)


[Repeat CHORUS]


BRIDGE
At kung sa sandaling (at kung sa sandaling)
Ikaw ay dumating (ikaw ay dumating)
Buong buhay, buong puso kitang mamahalin


[Repeat CHORUS]

0 comments: