Yano: Kaka

Aug 3, 2007

Sa gitna ng dilim si Kaka’y nangangapa
Nagpumilit makakuha posporo at kandila
Sa kasamaang palad ay iba ang nakapa
Malambot, mamasamasa malagkit at malata

Sumibad siya pakusina maghuhugas ng kamay nya
Walang tubig sa gripo kaya’t sa banyo dumiritso
Eh minalas nga naman natapakan ang sabon
Si kaka ay nadulas, puwit nya ay nagasgas

Eh Kasi walang kuryente
Brownout, walang kuryente
Wala wala walang kuryente
Wala, walang kuryente
Kasi walang kuryente
Brownout, walang kuryente
Wala wala wala wala wala

Palabas s’ya ng banyo ng matapakan si muning
Katakot takot nakalmot si kaka napadaing
Umakyat s’ya sa hagdan pero bago makarating
Nakatapak ng tumbtacks, gumulong at nagkadulingduling

Lumabas s’ya ng bahay doon sa kalye nagpahangin
At galit na tinadyakan ang aso ni Mang Gusting
Eh nandon pala si Mang Gusting na siga sa lugar namin
Ang kawawang si kaka sa ospital nakarating (wheoowheoo)

0 comments: