Kamikazee: Ung tagalog

Aug 1, 2007

Sampung taon na akong nanliligaw sa yo
At hindi ko na malaman kung ano ang gusto mo
Nagmukha na akong katulong, driver at alalay mo
Sa bawat araw ng linggo, inaraw- araw mo

Akala ko noon may pag-asa sa’yo
Dahil sa iyong sinabi na maghintay lang ako
Ngunit isang araw nagulat nang naglalakad ako
May kasama kang iba, nakayakap pa sa’yo

Sana’y ‘di na umasa pa
Mukha tuloy akong tanga
Noon pa man ay mahal ka na
Ngunit sinayang sa wala

Pakinggan ang aking sasabihin
Ayoko nang ulitin, makinig ka na
Kung biglaan, ika’y aking iwanan
Sana’y ‘di mo makayanan
Mamatay ka na

Mamatay ka na
Mamatay ka na
Mamatay ka na agad

Tama bang umasa pa at maghintay pa sa wala
Tama bang niloko mo, sinayang mo ang oras ko
Bakit ka ganyan sinta? Wala ka bang nadarama?
Bakit ba niloko mo? Sinayang oras ko

0 comments: