Kamikazee: Turon

Aug 1, 2007

Kumuha ng saba
Balatan mo ng maigi
Hiwain sa gitna (Sa pamamagitan ng kutsilyo)
Ipatong sa pambalot (Ilagay sa bandang dulo)

Huwag kalimutan ang langka
Isingit sa gitna
Irolyo ng maayos (Hanggang sa kabilang dulo)
Ikaw na ang bahala kung nakabukas o selyado

Painitin ang mantika
Sa naglalagablab na kawali
Isunod mo ang asukal (Hintayin itong matunaw)
Kapag ito’y nagyari
Ilusong na ang pinaghirapan

Haluin dahan dahan
Hanggang ito’y maging medyo brown

Iahon mo na
Turon nasusunog

Anong maling ginawa mo?
Nasunog ang turon

Nasayang lang ang turon
Nasunog lang
Nasayang ang turon
Nasunog ang turon

0 comments: