Iba’t iba ang trip ng bawat tao
One-day-old, at kalderetang aso
Tao’y sibilisado raw, ngunit mga halimaw
Sa inuman ang pulutan ay baw-waw-waw
Mga asong nakatali, isa-isang nawawala sa kalye
Tiningnan ko sa may bakuran namin
Nawawala ang aso kong itim
Ang pangalan niya’y Bantay, at kahit siya’y galisin
Siya’y kaibigan at mabuting alipin
May nagyaya sa amin ng inuman
At ako’y hiningan ng pambili ng pulutan
Agad ko namang ibinigay
Sabay tumoma habang naghihintay
Kampay, luto na raw ang aming hinihintay
Isang malaking aso na itim ang kulay
Ako’y napalunok at natuyuan ng laway
Sila ang kumatay kay Bantay
Baw-waw-waw
Asucena, asucena
Francis Magalona: Baw-waw-waw
Jul 31, 2007
Posted by Webmaster at 2:02 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment