Imago: Sundo

Jul 31, 2007

Kay tagal kong sinusuyod ang buong mundo
Para hanapin, para hanapin ka
Nilibot ang distrito ng iyong lumbay
Pupulutin, pupulutin ka

Refrain:
Sinusundo kita, sinusundo

Chorus:
Asahan mo
Mula ngayon pag-ibig ko’y sa’yo

Sa akin mo isabit ang pangarap mo
Di kukulangin ang ibibigay
Limutin ang kaba tuluyan kang bumitaw
Kaya manalig, manalig ka

[repeat Refrain and Chorus]

(Inaasam ang sandali
Sinuyod ang buong mundo
Maghihintay sa’yong sundo)

[repeat Chorus]

0 comments: