Introvoys: Kailanman

Jul 31, 2007

Nasaan na sya ngayon
Hinahanap mo di mo alam
Lahat ng yong gagawin
Nang wala siya sa piling mo

Ang puso kong ito’y
Inaalay ko sa yo lamang
Kaya’t wag ng magdaramdam
Pag-ibig ko sa yo’y nakalaan

Kailanman di kita masasaktan
Kahit na anong mangyari
Tayo’y magmamahalan
At sa pagsapit ng dilim
Hindi mawawalay
Pag-ibig ko ay tunay, kailanman

Bakit ba ganito?
Kung sino pa ang iniibig mo
Yon pang nanloloko sa yo
Di na yata tama ito

At di na magkakaganoon
Kung ako ang pipiliin mo
Pangako’y di mabibigo
Ako ay iyong-iyo

Kailanman di kita masasaktan
Kahit na anong mangyari
Tayo ay magmamahalan
At sa pagsapit ng dilim
Hindi mawawalay
Pag-ibig ko ay tunay, kailanman

Kailan man

0 comments: