Itchyworms: Antipara

Jul 31, 2007

Naglalakad ka sa daan
Nabubunggo kung saan saan
Malabo ang iyong mata
Kailangang mag-antipara

Kay linaw linaw ng mundo, pinapalabo mo
Sa tulis ng iyong mukha, baka may masugatan ka

Wala ka nang makita
Di ka pa mag-antipara
Hindi halata ang luha
Sa likod ng antipara, antipara

Nagbabasa ka ng libro
Nakadikit na sa noo
Halos kainin mo na ‘yan
Hindi mo maintindihan

Kay linaw linaw ng mundo, pinapalabo mo
Sa tulis ng iyong mukha, baka may masaktan ka pa

Huwag kausapin kung di kilala
Papaano mo malalaman
Kung wala kang antipara?

Kay linaw linaw ng mundo, pinapalabo mo
Lagi ka pang tumatakbo, mauntog sana’ng ulo mo

0 comments: