Itchyworms: Paglipad

Jul 31, 2007

Halika lipad tayo
Di ko alam papaano
Turuan mo naman kaya ako
Dito sa alapaap
Mapuputi ang ulap
Kailangan matikman ito

Lumilipad ang mga ibon at lobo
E di pwede rin tayo

Tikman mo ang hangin
Masarap kainin
Subuan mo naman ako nito
Suot ka ng sumbrero
At lilipad na tayo
Ikabit mo na ang seatbelt mo

Tara baba na tayo
Sumasakit na’ng ulo
Mapapatawad mo pa ba ako?
Kadumihan ng utak
Pakpak ko ay nawasak
Kasalanan ba’ng isipin ko?

Lumilipad ang mga ibon at lobo
E di pwede rin tayo
Lumilipad ang mga ibon at lobo
E di pwede rin
E di pwede rin
E di pwede rin tayo

0 comments: