Janno Gibbs: Lupin

Jul 31, 2007

Janno:
Sino ka nga ba at ano ang yong nakaraan
Bandido lamang ba o may iba pang dahilan
Tila buong mundo ay pilit tinutugis ka
Sa bawat kilos mo may nagmamatyag na mata

Mailap, madulas sadyang mapangahas
Matinik, mabilis at di umaatras
Malakas ang dating, Magaling tumakas
Kahit na katiting ay walang iiwanang bakas
Subukang hulihin si Lupin.

May angking kang taglay
Na sino may di papantay
Ngunit mag-ingat ka
Ako’y laging nakabantay
Wag mong sabihin na walang kinatatakutan
Sinisiguro kong mayroon ka ring kahinaan
Hahanapin ko yan

Mailap, madulas sadyang mapangahas
Matinik, mabilis at di umaatras
Malakas ang dating, Magaling tumakas
Kahit na katiting ay walang iiwanang bakas
Subukang hulihin si Lupin.

Ara:
Bihagin mo ang puso ko
Alipin ng pag-ibig mo
Di makatakas sa aking nadarama
Gagawin kong lahat mahuli ang yong pagsinta

Janno:
Mailap, madulas sadyang mapangahas
Matinik, mabilis at di umaatras
Malakas ang dating, Magaling tumakas
Kahit na katiting ay walang iiwanang bakas
Subukang hulihin si Lupin.

Ara:
Ako ay ibigin, Oh Lupin

Janno:
Hooooooo hooooo
Subukang hulihin si Lupinnnnnn.

0 comments: