Spongecola: Pasubali

Aug 3, 2007

Verse

Kung pwede lang
Wag mo na ‘tong iwasan
At ‘wag mo ring
Ituring na biro
Marahil ‘to’y ‘di mo inaasahan
Pero sana’y
‘Wag ipinid ang pinto

Refrain

Itikom ang bibig
Mata’y ibaling sa’kin
Pakinggan mo ang sasabihin ko

Chorus

Kailan mo ba matutunan?
Kailan mo ba ‘pagsisigawang
‘Di mo na ‘pagkakailang tayo?
Kay rami nang pinagdaanan
Ano pa ba ang ‘yong kailangan?
Nagsusumamo na sabihin mo

Verse

Ang diwa ko’y
Tigib sa kaiisip
Sa sarili’y laging
May kinikimkim
Patuloy lamang bang mananaginip?
At mananatili lang na nakapikit?

Refrain

Ako’y mayro’ng batid
Ito’y iyong pag-amin
Hindi na natin maiiwasan ‘to

0 comments: