Sex Bomb Girls: I'm not that girl

Aug 3, 2007

INTRO
Hay, buhay, talo
Mga lalaki, puro manloloko, hmp


Mag-isip-isip nang isa, dalawa, tatlo
Puro ka "I love you," "I love you," "I love you"
Everyday na lang na naririnig ko
Ang 'yong mga istilo, pare-pareho

Eight days a week kung tayo'y magkita
Baka magkapalit na ang ating mukha
Telebabada sa phone 'pag uwi ng bahay
Panay pa ang text, aray, nakakangalay

'Wag mo 'kong ilipad sa 'yong magara mong kotse
Hinaan mo ang sounds, ako'y nabibingi
'Wag mo 'kong daanin sa 'yong pagpapa-cute
Alam kong gwapo ka pero huwag kang malikot

Marami nang girls ang nakitang lumuha
Pagkatapos ng lahat, naku, nakakaawa
One night stand, two night stand
Kung 'yun ang gusto mo, magkasa ka


CHORUS
I'm not that girl (what)
Na iniisip mo (ha)
Hindi ako katulad nila, yeah (naman)
I'm not that girl (talaga)
Na hinahanap mo (promise)
Kung 'yun lang ang gusto mo, yeah
I'm not that girl


Lahat na yata ng boys, marunong magpanggap
Laging walang asawa 'pag babaeng kaharap
"Can I get your number, can I call you later
Can I pick you up, and how about dinner"

Wow, grabe, talagang nakakaloka
At kung kakagat ka, tapos kang bata ka
Ibibigay sa 'yo lahat ng gusto mo
Pero ang kapalit ang pagdurusa mo

Imagin, last night, 'yung dating boyfriend ko
Mahal na mahal ko siya pero iniwan lang ako
Sumama sa tisay na kabarkada ko
Kaya tanong sa sarili, pangit ba ako

Kaya don't be mad kung pakipot ako
Aaminin ko sa 'yo, tipo mo ang gusto ko
Maginoo at hindi bastos
'Yan ang gusto ko, hindi ba obvious


[Repeat CHORUS]


[Repeat CHORUS underneath twice]
Kung iibig pang muli sa isang katulad mo
Ang feelings mo kaya ay hindi na magbabago
Kasi kung sasaktan lang at iiwanan mo
Forget me na lang, 'yan ang pakiusap ko

Dahil baka masaktan lang ang puso ko sa 'yo
Sa bandang huli, ako pa rin ang tatayo
Kasi in love na ako
Pa'no mapipigilan pa ito


CODA
I'm not that girl (I'm not that girl, yeah)
I'm not that girl (I'm not that girl, yeah)
I'm not that girl (I'm not that girl, yeah)
I'm not that girl

0 comments: