Sarah Geronimo: Ako'y maghihintay

Aug 3, 2007

[Mark]

Alam kong ikaw ay bata pa walang malay sa mundo, ngunit damdamin ko sayo’y tila nahuhulog

[Sarah]
Bata mang ituring ako’y mayroon pagtingin, huwag mo sanang mapansin ako’y naglalambing

[Both]

Dahil hindi pa tamang panahon upang magmahalan kahit na puso ay nasasaktan

[Chorus]

Ako’y maghihintay lamang sa iyo hanggang umabot tayo sa takdang panahon, magtitiis, magbibigay kahit umabot pang habang buhay, ako’y maghihintay.

[Mark]

Habang ako’y naghihintay huwag sanang magbago, hindi ko kakayanin na ikaw ay lumayo

[Sarah]

Darating din ang araw at sasabihin ko kung ano ang tunay kong nadarama sa iyo

[Both]

Ngunit hindi pa tamang panahon upang magmahalan kahit na puso ay nasasaktan

[Chorus]

Ako’y maghihintay lamang sa iyo hanggang umabot tayo sa takdang panahon, magtitiis, magbibigay kahit umabot pang habang buhay

[Both]

Ay hindi magbabago ang damdamin ko sa’yo at balang araw ay magtatagpo ang mga puso

[Chorus]

Ako’y maghihintay lamang sa iyo hanggang umabot tayo sa takdang panahon, magtitiis, magbibigay kahit umabot pang habang buhay, ako’y maghihintay

AKO’Y MAGHIHINTAY…

0 comments: