Rocksteddy: Magpakailanman

Aug 3, 2007

Darating din ang araw na tayo’y tatanda
Babagal ang mga paa at malalabo ang mata
Hindi mamamalayan ang pag-ikot ng mundo

Darating din ang panahon na malalagas ang buhok
Balat ay kukulubot at makukuba ang likod
Hindi malilimutan ang pag-ibig ko sa’yo
Magpakailanman

Panahon ay lilipas din mga araw ay daraan
Ang mundo ay papanaw din
Ngunit hindi ang aking puso
Ngunit hindi ang pag-ibig ko sa’yo

Darating din ang bukas na tayo’y kukupas
Ang buhay ay magwawakas kasama ang gunita
Ngunit hindi malilimutan ang pag-ibig ko sa’yo
Magpakailanman

Habang buhay kitang mamahalin
Habang buhay kitang hihintayin
Habang buhay kitang mamahalin
Magpakailanman

Sa’yo

0 comments: