Rocksteddy: Bale wala

Aug 3, 2007

Kanina pa, nasa tabi, nilalamig, giniginaw
At kanina pa magkatabi
Ngunit hindi pa rin gumagalaw
Ilang oras nang sa tabi
Andirito pa ri’t naiilang
Bakit kanina pa kapiling ka
Ngunit para pa ring nag-iisa

Hanggang dito na lamang ba
Hanggang dito na lamang ba

Dahila bale wala ang salita kung
Hindi mo naman mararamdaman
Bale wala rin namang silbi
Ang lahat ng ito kung hindi ko ramdam
Andirito ka na sa tabi
Ngunit bakit pa rin nahihiya
Ilang buwan na akong naghihintay
Na mahawakan ang kamay

Hanggang siko na lamang ba?
Hanggang siko na lamang ba?

‘Di mo na kailangan pang sabihin
At ‘di ko na kailangang marinig
‘Di na importante pa sa ‘kin
‘Di na importante

0 comments: