Rivermaya: Makakaasa ka

Aug 3, 2007

Di mapapatid ng layo
Ang tibay ng pangako
Na kahit magkalayo
Darating ako

Di malulunod ng dagat
At sa haba man nito
Ang bulong na nagsasabing
Nandito lang ako

Darating ako (kababayan ko/kasintahan ko)
Sing bilis pa ng hangin
Sa oras na kailangan mo
Makaaasa ka sa akin

Di mabubura sa limot
Taon man ang bilangin
Ang tamis ng alaala
Tuwing ikaw ay kapiling

Darating ako (kababayan ko/kasintahan ko)
Sa kisap-mata’y kapiling
Naritong sandalan mo
Makaaasa ka sa akon

Makaaasa ka sa akin
Makaaasa ka sa akin

0 comments: