Regine Velasquez: Maghihintay ako

Aug 2, 2007

Malayo man ang umaga sa buhay kong ito
May liwanag ng pag-asa na sisilayan ko
Ikaw na s'yang tugon sa aking panalangin
Puso ko'y 'wag sanang biguin
Dinggin ang bulong ng alon at hangin

[CHORUS]
Ating tadhana
Magkaibang mundo
Bakit pilit tayong pinaglalayo
Alam kong batid mo
Tayo'y iisang puso
Kaya't maghihintay ako

Kay tagal ng panahon, hanap-hanap ka
Poot ko'y napawi nang makapiling ka
Ngunit naglaho ka, sa akin ay nawalay
Bakit ang agos, ikaw ang tinangay
Mula sa dagat ng aking buhay

[Repeat CHORUS]

Maghihintay ako

[BRIDGE]
Malunod man sa lalim ng sakit
Aahon din sa paglalapit ng hangin
Alam kong ikaw saka ay babalik
Alam kong ikaw ay babalik, oh

[CHORUS]
Ating tadhana
Magkaibang mundo
Bakit pilit tayong pinaglalayo
Alam kong batid mo
Tayo'y iisang puso
Maghihintay ako
Maghihintay ako

0 comments: