Regine Velasquez: Hindi ko na kayang masaktan pa

Aug 2, 2007

Pinilit kong pigilin ang aking damdamin
'Pagkat ika'y 'di na dapat pang ibigin
Ikaw pala'y mayroong ibang minamahal
Habang ako'y sa 'ting pagmamahalan lang sumugal

Akala mo'y ito'y malayo sa katotohanan
At ang puso mo'y nakalaan para sa akin lamang
Bulong ng aking isip ay 'wag kang magtiwala
Sigaw ng puso mo'y 'wag umasa sa maling akala

[CHORUS]
Hindi ko na kayang masaktan pa
Hindi na maaari pang ako'y gamitin na
Isang sunud-sunuran sa 'yong mga kagustuhan
At halos ang lahat ay ibigay ko na

Hindi ko na mapapayagan pa
Ang puso mo'y paglaruan ng puso kong gahaman
Ako'y iyong palayain at huwag mo nang ibigin
Hindi ko na makakaya ang masaktan ka

[BRIDGE]
'Wag mo na sanang patagalin
'Wag mo na akong linlangin
Pagdurusang ito'y hindi na makakaya

[CHORUS]
Hindi ko na kayang masaktan pa (hindi na makakaya)
Hindi na maaari pang ako'y gamitin na
Isang sunud-sunuran sa 'yong mga kagustuhan (isang sunud-sunuran)
At halos ang lahat ay binigay ko na

Hoh, hindi ko na mapapayagan pa (hindi ko na kaya)
Ang puso mo'y paglaruan ng puso kong gahaman
Ako'y iyong palayain at huwag mo nang ibigin (ako'y iyong palayain)
Hindi ko na makakaya ang masaktan ka

Hahh hahh

0 comments: