Regine Velasquez: Di na mag-iisa

Aug 2, 2007

Kapag ako'y nag-iisa
Mayrong gumugulo
Sa aking Isipan

Alam ko tayo'y nagmamahalan
Nguni't bakit ganito
Di maipaliwanag

Hawakan mong aking mga kamay
Bigyan ng kulay ang aking buhay

Mahal, ayoko pang lumisan
Dito lamang ako
Dito sa tabi mo

Nguni't kailangan kong gawin to'
Di dahil nais ko
Sana'y unawain mo

Hawakan mong aking mga kamay
Bigyan ng kulay ang ating buhay
At wag kang bibitaw
Wag kang hihiwalay
Ika'y aking lakas
Pag-ibig mong ito'y sadyang wagas

Ano kaya itong pagsubok
Na dapat kong dalhin
At dapat kong tanggapin

Mahal sa 'king paglalakbay
Ako'y nalulumbay
Kailangan bang mawalay

Hawakan mong aking mga kamay
Bigyan ng kulay ang aking buhay
Habang pasan ko ang daigdig
Pag-ibig mo'y nangangapit
At balang araw tayong dalawa'y magsasama

(Di na nag-iisa ...)

Ika'y kapiling na ...
Di na nag-iisa ...
Di na nag-iisa ...

0 comments: