Parokya Ni Edgar: Tungkol sayo

Aug 2, 2007

Sa dinami dami ng kinahinatnan
Para lang patunayan ang nararamdaman
Di ka pa makuha ako’y nahihirapan na
Tigilan ang pag alinlangan
Eto na’t patutunayan

Kalagitnaan ng sinimulan, ating pagibig sana’y walang hanggan
Sanay exacto ang napili mo pagkat ikaw na rin naman ang napili ko
Ikaw na ang may-ari ng aking damdamin puso at isipan ikaw lang ang nilalaman
Walang ibang hahanapin pa habang buhay kitang mapapasaya

Kung ika’y nag-ingat lamang
Sana’y di ka nasugatan
Iwanan ang napagdaanan
Bat di mo malimutan ang nakaraan

Mabuti pa kaya wag ka nang mag-alala
Pagkat ikay may pagasa,lutasin ang mga problema
Kung tayo magkasama ikay aking tutulungan
Wag ng mag-alinlangan at ikay naiintindihan
Tumahan, lumaban, limutin ang nakaraan
At tanggalin ang iyong kalungkutan
Palitan ng kasiyahan gagawin lahat ng paraan
Aawitan pa kita ng paborito mong mga kanta

Ikaw lang ang aking tanging minamahal
Tuwina ikaw ang aking dasal
Pag-ibig ko sa iyo’y walang hanggan
Hinding hindi kita masasaktan

Di ba’t sinabi ko sayo
Sayo lamang ang puso ko
Hanggang magunaw ang mundo
Maaasahan mo ako

0 comments: