Parokya Ni Edgar: Ted Hannah

Aug 2, 2007

Para kang kape, di ka nagpapatulog
Parang kagabi, gising ako hanggang tanghali

Di ko nga man lang alam kung sino ka talaga
Kailan kaya kita makikilala?

At paano kung nasulat na sa notebook ng tadhana
Ang kwento ng pag-ibig tungkol sa ating dalawa
Di kaya sayang kung hindi natin susundin
Ang nais na mangyari ng tadhana para satin

Para akong tanga, di ko man lang naisip
Na ang pangarap ay mananatiling panaginip

Kung wala akong gawin upang makamtan ka
Paano ka tatama kung di ka tataya?

At paano kung may contest na sinet-up ang tadhana
At ang unang papremyo ay ang makasama ka
Di kaya sayang naman kung di ko man lang susubukan
Manalo sa pa-raffle na tadhana, tan tan tan tan

Hahayaan bang mapunta ka na lamang sa iba?
Nakwento ko na yata yan sa ibang kanta

At paano kung hindi ako naakit ng tadhana
E di sana ay hindi ako ang iyong sinisinta
Di kaya sayang naman kung di ko man lang susulitin
Ang alay na babae ng tadhana
Para sa akin

0 comments: