Parokya Ni Edgar: Pumapatak na naman ang ulan

Aug 2, 2007

Pumapatak na naman ang ulan sa bubong ng bahay
Di maiwasang gumawa ng di inaasahang bagay
Laklak ng laklak ng beer magdamagan
May kahirapan at di maiwasan
Mabuti pa kayang matulog ka na lang
At baka sumakit ang tiyan

Ang araw ko’y nabubusisi, ako ang nasisisi
Bakit ba sila ganyan
Ang pera ko ay di magkasya, hindi makapagsine
At ayaw naman dagdagan
Ubos na rin ang beer, kaya kape na lang
Lahat sinusubukan kahit walang pulutan
Ang buhay ng tamad, walang hinaharap
Ni konting sarap man lang

Radyo, tv at mga lumang komiks
Wala ng ibang mapaglibangan,
At kung meron kang tatawagan
Ang credit mo sa text ay makakaltasan

Umiindak ang paa sa kumpas ng tugtuging bago
Hanggang kumpas ka na lang at di mo na alam ang tono
Sa paghinto ng ulan ano ang gagawain
Huwag ng isipin at walang babaguhin
Mabuti pa kaya matulog ka na lang
Matulog na ng mahimbing

Pumapatak na naman ang ulan

0 comments: