Parokya Ni Edgar: Madapa ka

Aug 2, 2007

Kalimutan muna ang problema
Kalimutan muna ang iba
Sayang lang ang panahon at luha
Sayang lang ang iyong pagluluksa

Tigilan mo na yan
Pagkat wala ring pupuntahan
Ang buhay ay ganyan
Tanggapin mo na lang

Problema ay kasama ng tadhana
Pagkat lahat ito’y sinasadya
Subukan mong sakyan ang pagdudurusa
Ngiti ka lang, magpasalamat ka

Pagkat hindi ka titingala
Kapag wala ka sa baba
Kailangan din kung minsan madapa

0 comments: