Parokya Ni Edgar: Choco latte

Aug 2, 2007

Di ba’t sinabi mo sa kin dati
Na mahirap kumain ng tsokolateng
Natunaw at parang wala nang korte
Kadiri nang kainin, mukha ng tae

Ewan ko ba kung bakit
Mahirap ibalik
Sa original na hugis
Pag nalusaw na sa init

Parang tiwala pag nasira na
Mahirap nang ayusin pa
Di kayang ipagdikit ang tiwala
Pag napunit

Parang nangyari kailan lang
Meron akong nakitang nakatagong
Regalo sa likod ng auto mo
Hugis puso na kahon
At may red na ribbon (mamahaling tobleron)
At nung aking tingnan
Para sa yo, mula kay Christian
Agad kong binuksan, chocolate ang laman

At di ko malaman kung ba’t kailangan
Itago sa akin ang katotohanan
Ang dami-dami mo palang tsokolate
Hindi ka man lamang nagsasalita-e

Ewan ko ba kung bakit
Hindi ko napigilan
Ang regalo mo’y naubos ko nang
Di ko nalalaman

Parang tiwala pag naubos na
Bigla bilaan talaga
Mahirap nang makita
Kapag minsa’y nawala

At kahit na pilitin
Di mo na mapapalitan
Kahit hanap-hanapin
Di mo na mababalikan
Kahit sabihin natin
Na ika’y napagbigyan
Wag na lang

Ewan ko ba kung bakit
Mahirap tanggalin ang tsokolate
Pag natunaw at kumapit na sa ngipin

Parang tiwala pag namantsahan na
Mahirap nang linisin pa
Di kayang burahin
Kahit na anong gawin
Parang tiwala

0 comments: