Moonstar 88: Sembreak

Aug 1, 2007

Dear Kim, kamustang bakasyon mo?
Ako eto pa rin nababato
Bad trip talaga’tong Meralco
Bakit brownout pa rin dito?

Walang silbi sa bahay
Kundi bumabad sa telepono
O kaya’y kasama ng barkada
Nakatambay sa may kanto

[Chorus]
Naalala kita pag umuulan (Sembreak)
Naalala kita pag umuulan (Sembreak)
Naalala kita, ilang bukas pa ba?
Bago tayo ay magkita
Ako’y naiinip na
Bawa’t oras binibilang
Sabik na masilayan ka

Sira pa rin ang bisikleta
May gas, wala namang kotse
Naghihintay ng ulan
Basketball sa banyo

Sana ay may pasok na para at least
Meron akong baon
Cutting classes, dating raket
Rock and roll buong taon

[repeat Chorus]

Walang kayakap kundi gitara
Nangangati sa kaiisip sa ‘yo
Hanggang sa mabutas ‘tong maong ko
Tsaka bibili uli ng bago

Hanggang dito na lang ang liham ko
Salamat sa atensyon mo
Tsaka na lang pala ang utang ko
Pag nakagkita na lang uli tayo

Naalala kita (Sembreak)
Naalala kita (Sembreak)
Naalala kita (Sembreak)

0 comments: