Meshmerize: Ako ang superhero

Aug 1, 2007

Di ko na kailangan pang lumunok ng bato
Di ko na kailangan ng letter S sa dibdib ko
Di ko na kailangan pang magsuot ng maskara
Di ko na kailangan magpakagat sa gagamba

Alam na ng lahat ang sikreto ko
Kung sino ako, ang bida sa lovestory mo.
Ako ang superhero

[CHORUS]
Superhero ng buhay mo.
Sa pag-ibig mo nagmumula ang kapangyarihan ko.
Ako ang superhero
Superhero ng puso mo.
Sa piling mo higit sa lahat ang kaligayahan ko.

Wala akong balak maging isang alamat
Wala naman akong hawak hawak na agimat
Init ng yakap mo ang syang kailangan
Isang halik mo lang para ng si Superman

Ipagtatanggol kita, kahit na kanino man
Di makapapayag na ika'y masaktan
Magbabantay, gagabay sa ating ibigan
Magdarasal, magmamahal, laging ipaglalaban

[Repeat CHORUS]

0 comments: