Louie Heredia: Una at huling mamahalin

Aug 1, 2007

Mayroong hiwaga ang iyong ganda
Na sa aking puso'y nagpapasigla
Ikaw ang pag-ibig, ang langit ko't bituin
Una at huling mamahalin

Minsan may pagsuyong sa buhay nagdaan
Tunay na pag-ibig sa 'yo naramdaman
Nais kong malaman mo ika'y ibang-iba
Dito sa 'king puso ika'y nag-iisa

Ang pangako ng pag-ibig sana ay dinggin...
Ikaw ang una't huling mamahalin

'Di ko na maisip pang may hihigit sa 'yo
Larawan sa isipan ikaw lang at ako
Nais kong malaman mong iba kang talaga
Sa puso ko'y tinatangi kita

Minsan may pagsuyong sa buhay nagdaan
Tunay na pag-ibig sa 'yo naramdaman
Nais kong malaman mo ika'y ibang-iba
Dito sa 'king puso ika'y nag-iisa

0 comments: