Kamikazee: Sana kahit minsan

Aug 1, 2007

Bakit ikaw ang nais na matanaw nitong mga mata
Tunay kayang nabighani ako sa taglay mong ganda
Nais kong marinig malandi mong tinig
Hatid sa aking aliw na tila ba ito’y hulog man lang ng langit

Pagnakita ka na’y ayaw nang kumurap o pumikit man lang
Dahil baka mawala kang bigla nang hindi ko alam
Minsa’y hinahagka’t yakap-yakap kita
Ngunit subalit sa tuwing lumalapit nanghihinayang lang

Sana kahit minsan ay mapansin ako
Malaman mong kita’y mahal at ‘yan ay totoo
Wag mong isipin nagbibiro ako
Tunay ang pag-ibig na alay sa `yo

Bakit ikaw ang nais na matanaw nitong mga mata
Tunay kayang nabighani ako sa taglay mong ganda
Minsa’y hinahagka’t yakap-yakap kita
Ngunit subalit sa tuwing lumalapit nanghihinayang lang

Sana kahit minsan ay mapansin ako
Malaman mong kita’y mahal at ‘yan ay totoo
Wag mong isipin nagbibiro ako
Tunay ang pag-ibig na alay sa `yo

Hanap ng puso ay laging ikaw
Ang tanging nais ko’y ang iyong pagmamahal
Sana’y sabihing mahal mo rin ako
Ikaw ang tawag ng damdamin ko

Sana ay mapansin ako
Malaman mong kita’y mahal at ‘yan ay totoo
Wag mong iisipin nagbibiro ako
Tunay ang pag-ibig na alay
Ikaw ang nais sa habang buhay
Ang pag-ibig na alay ko
Sa yo’y tunay
Sa yo’y tunay

Sana kahit minsan
Sana kahit minsan
Sana kahit minsan

0 comments: