Join The Club: Hayaang maidlip

Aug 1, 2007

Hayaan mo munang maidlip
at huwag mong isiping
balewala ka sa akin
at kung magdilim
huwag mong pansinin
ang panaginip kong bitin
na makapiling lang kita

Kahit wala sa piling
hindi mo lang napapansin
dahil itong damdaming
ikaw ang laging hiling

Gustong-gusto ko nang
makita ka’t muling nasasabik
sayo’t hindi na
makapaghintay sa’yong pagbabalik
at huwag mong isipin na
balewala sinta
gustong-gusto ng makapiling lang kita

Kahit wala sa piling
hindi mo lang napapansin
dahil itong damdaming
ikaw ang laging hiling

Gustong-gusto ko nang
makita ka’t muling nasasabik
sayo’t hindi na
makapaghintay sa’yong pagbabalik
at huwag mong isipin na
balewala sinta
gustong-gusto ng makapiling lang kita

Kahit na anong gawin
sabihin pipilitin ko pa ring
mapalapit lamang sayo
at kahit pa matapos na
ang sandaling pinagmulan
nitong lahat sa isip ko
gustong-gusto ko nang
makita ka’t muling nasasabik
sayo’t hindi na makapag-antay
sa’yong pagbabalik
sa’yong pagbabalik

0 comments: