Greyhoundz: Apoy

Jul 31, 2007

Tatalon ka na ba mula sa sinasakyan na nagdala sa iyo
Sa taas para lang magpakalunod sa bisyo o sa luho

Bibitawan mo na ba paniniwalang nagdulot sa iyo
Ng saya para lang magpakabaliw sa paghanap ng aliw

Kapit ng mahigpit kapatid
Kumapit ng mahigpit kapatid
Wag kang bumitaw.

Bat ka ba lumalayo sa mismong kadugong
Kailanman ay di ka iniwanang nagluluksang magisa
Nakalimutan mo na ba halaga nila
Bat ka ba sumusuko sa mga pagsubok
Na di mo naman ikamamatay
Di ba dapat lalo kang tumitibay

Sunog lang ng sunog

Kapit ng mahigpit kapatid
Kumapit ng mahigpit kapatid
Wag kang bumitaw

Tulong pahingi ng gamot para huwag ng malito
Kahit wala munang sagot
Panandaliang lunas para man lang kumalma

Bat ka ba nagpapasunog sa sarili mong apoy

Kapit ng mahigpit kapatid
Kumapit ng mahigpit kapatid
Wag kang bumitaw

0 comments: