Erik Santos: Pagbigyang muli

Jul 31, 2007

Muli ay ‘yong pagbigyan, ako’y nagkamali
Muli ay ‘yong patawarin, ako’y nagsisisi
Alam kong ako’y nangakong di na mauulit pa
Ako’y nagkamali sa’yo, muli ay patawarin mo
Ako ba’y ‘yong yayakapin?
Nakaraa’y kayang limutin?
Magtiwalang muli mahalin mong muli
Magbalik ka sa’kin

[Chorus]
Di ko kakayanin kung ika’y mawawala sa aking piling
Di ko kakayanin pag nalaman kong wala nang pag-ibig sa akin
Di kayang mag-isa, gustong kasama kita
Sa’yo lang ang pag-ibig ko
Magtiwalang muli, ito na ang huling pagkakamali
Pag-ibig ko’y muling tanggapin

Muli ay ‘yong pagbigyan, pag-ibig natin
Sabihin mo sa akin, ang ‘yong gusto’y susundin
Magtiwalang ‘di sinasadyang maging di’ tapat sa’yo
Doo’y nakalimot nga ako, nangyari’y ‘di ko ginusto

Ako pa ba’y kayang yakapin?
Ang init ng halik sa akin, kaya bang inalik?
Dama ang bawat saglit ng sakit ngayong wala ka na

[repeat Chorus]

Muling mahalin
Di kakayaning ika’y mawala sa aking piling
Muling tanggapin, muling mahalin
Ika’y magbalik, magtiwalang muli
Muling ibalik ang pag-ibig na dati’y sa atin
Pagkat

[repeat Chorus]

Muling tanggapin
Muling tanggapin

0 comments: