Eraserheads: Walang nagbago

Jul 31, 2007

Nung ikaw ay bata pa, ang lahat ay masaya
Umiikot ang mundo at hindi rin hihinto
Ang lahat ng makita mo ay bago

At ngayon, me edad ka na
At puno sa problema
Nangangarap na ibalik ang kahapon
Hindi mo malaman
Kung bakit kailangang magbago ang lahat
Magbago ang lahat
Magbago ang lahat sa buhay mo

Umaaraw, umuulan
Noon pa ma’y sadyang ganyan
At kung ngayon lahat ng panaginip mo’y
Biglang naglaho, pare-pareho lamang tayo
Isipin mo walang nagbago

Kung ano tayo noon
Ay ganun pa rin ngayon
Umiikot ang mundo at hindi rin hihinto
Ngunit ang kalagayan mo ay hindi nagbabago
Hindi nagbabago, hindi nagbabago

Walang nagbago

0 comments: