Kamukha mo si Paraluman
No’ng tayo ay bata pa
At ang galing-galing mong sumayaw
Mapa-Boogie man o Chacha
Ngunit ang paborito
Ay pagsayaw mo ng El Bimbo
Nakakaindak, nakakaaliw
Nakakatindig balahibo
Pagkagaling sa skwela ay didiretso na sa inyo
At buong maghapon ay tinuturuan mo ako
Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko na umibig na tunay
Naninigas aking katawan
Pag umikot na ang plaka
Patay sa kembot ng bewang mo
At pungay ng ‘yong mga mata
Lumiliwanag ang buhay
Habang tayo’y magkaakbay
At dahan-dahang dumudulas
Ang kamay ko sa makinis mong braso
Sana noon pa man ay sinabi na sa iyo
Kahit hindi na uso ay ito lang ang alam ko
Lumipas ang maraming taon
Di na tayo nagkita
Balita ko’y may anak ka na
Ngunit walang asawa
Tagahugas ka raw
Ng pinggan sa may Ermita
At isang gabi’y nasagasaan
Sa isang madilim na eskinita
Lahat ng pangarap ko’y bigla lang natunaw
Sa panaginip na lang pala kita maisasayaw
Eraserheads: Ang huling el bimbo
Jul 31, 2007
Posted by Webmaster at 1:33 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment