Datu's Tribe: Praning

Jul 28, 2007

Tingin ko lang, halos lahat
Napakarami nang nagkakalat
Lahat ay may hawak na patpat
Sabay-sabay silang sumasatsat

Hoy

Sa dami ng aking pinapasan
Hindi ko na nakayanan
Pinagpatuloy pa rin ang turuan
Biglang lumindol, ako’y nadaganan

[Chorus]
O hindi, hindi ako
Hindi ako, baka sila
Baka sila ang hinahanap nyo
Hinahanap nyo ay nawawala

Matagal ko nang gustong makaahon
Ganito na lang ang buhay ko taon-taon
Sa tindi ng aking tinitiis
Mas mabuti pa ang aking mga ipis

[repeat Chorus]

Kinapos na ang hininga
Paghihirap ko ay itigal na
Gutom, hirap at walang pera
Bakit naman ginawa nyo pang tanga

Lahat tayo’y ililibing
Ayon sa kababayan nating magagaling
Pero mas ok daw ang dating
Kung hindi ka praning

[repeat Chorus]

0 comments: