Basil Valdez: Ngayon at kailanman

Jul 28, 2007

Ngayon at kailanman
Sumpa ko’y iibigin ka
Ngayon at kailanman
Hindi ka na mag-iisa
Ngayon at kailanman
Sa hirap o ginhawa pa
Asahang may kasama ka sinta
Naroroon ako twina
Maaasahan mo twina
Ngayon at kailanman

Dahil kaya sa ‘yo
Nang maitadhanang ako’y isilang sa mundo
Upang sa araw-araw ay s’yang makapiling mo
Upang ngayon at kailanman
Ikaw ay mapaglingkuran hirang
Bakit labis kitang mahal
Pangalawa sa Maykapal
Higit sa aking buhay

Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa ‘yo liyag
Lalong tumatamis tumitingkad
Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon
Na daig ng bawat bukas

Malilimot ka lang
Kapag ang araw at bituin ay ‘di na matanaw
Kapag tumigil ang daigdig at ‘di na gumalaw
Subalit isang araw pa
Matapos ang mundo’y magunaw na
Hanggang doon magwawakas
Pag-ibig kong sadyang wagas
Ngayon at kailanman

Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa ‘yo liyag
Lalong tumatamis tumitingkad
Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon
Na daig ng bawat bukas
Labis kitang mahal
Tangi sa Maykapal
Ngayon at kailanman

0 comments: