Basil Valdez: Kastilyong buhangin

Jul 28, 2007

Minsan, ang isang pangako’y maihahambing
Sa isang kastilyong buhangin
Sakdal rupok at huwag ‘di masaling
Guguho sa ihip ng hangin

Ang alon ng maling pagmamahal
Ang s’yang kalaban n’yang mortal
Kapag dalampasiga’y nahagkan
Ang kastilyo ay nabubuwal

Chorus:

Kaya’t bago natin bigkasin ang pagsintang sumpa
Sa minumutya, sa diwa’t gawa
Pakaisipin natin kung pag-ibig ay wagas
Kahit pa magsanga ng landas

Minsan, dalawa’y puso’y nagsumpaan
Pag-ibig na walang hanggan
Sumpang kastilyo’y buhangin pala,
Pag-ibig na pansamantala

Repeat Chorus:

Repeat last Stanza: (except last line)

Pansamantala, luha ang dala,
‘Yan ang pag-ibig ng nangyari sa atin
Gumuguhong kastilyong buhangin

Adlib:

0 comments: