Aldred Gatchalian: Mahiwagang pag-ibig

Jul 27, 2007

‘Di mo maipaliwanag
Ang mga pangyayari
Tulad ng pagkikita
Sa ‘di inaasahang lugar

‘Di mo maipaliwanag
Ang saya na walang hanggan
Sa tuwing kayo’y magkasama
Baon ay ligaya

CHORUS
Mahiwagang pag-ibig
Mahiwagang pag-ibig

‘Di mo maipaliwanag
Ang nararamdaman
Tulad ng mga ngiting
Abot hanggang langit

‘Di mo maipaliwanag
Ang kaba sa iyong dibdib
Sa gabi ng unang halik
Nanginginig na labi

REPEAT CHORUS

‘Di mo maipaliwanag
Kahit ayaw ng lahat
Pilit mong pinaglalaban
Kahit ‘di maunawaan

‘Di mo maipaliwanag
Bakit may masasaktan
At may darating na kapalit
Kahit ‘di pa ipilit

Mahiwagang pag-ibig
Mahiwagang pag-ibig
Mahiwaga ang pag-ibig
Mahiwagang pag-ibig

0 comments: