Aegis: Usapan

Jul 27, 2007

INTRO

Akala ko ba'y ako ang mahal mo
At ako lang ang s'yang buhay mo
At hindi mo ako maipagpapalit sa iba

Bakit ngayo'y para kang nagbago
Iba na ang mga kilos mo
At pati ang pananamit mo ay nag-iiba na

CHORUS 1
Oh, talagang nagbago ka na
At ikaw ay nagsasawa na
Siguro ay mayroon ka nang mahal na iba

Totoo, ikaw lang ang s'yang mahal ko
At ikaw rin ang s'yang buhay ko
At hindi rin kita maipagpapalit sa iba

At kung napansin mo ako'y nagbago
'Yun ay para na rin sa iyo
Buti nang makilala mo na 'ko nang maaga pa

CHORUS 2
Oh, talagang ganito na 'ko
Bago pa 'tong pag-ibig mo
At ayaw ko nang magtago sa 'king balat-kayo

AD LIB

Bakit kinakailangan pang itago mo
Ang totoong pagkatao mo
Ang nangyari tuloy ay pinagtampuhan pa kita

Oh, mahal ko, huwag ka nang magtampo
Sa mga pagkakamali ko
At ang nagawa ko ay pinagsisisihan ko na

[Repeat CHORUS 2]

Hoh hoh hoh

CHORUS 3
Ating iwan ang nakaraan
At huwag na lang babalikan
Kung may pagkakamali man ay ating pagbigyan

Mahalaga'y narito 'ko,
Narito ka sa piling ko
At hindi na magkakawalay pa magpakailanman

0 comments: