Dicta License: Alay sa mga nagkamalay noong dekada nobenta

Jul 31, 2007

Hinahamon muli ang bawat boses
na tumutugon as tawag ng lahi
bawat boses na sinilang noong
dekada nobenta
sariling interes lang daw
ang yong nakikita
Nababahala ang nakakatanda
Sabi-Sabi nila’y mahina
yaring mga bata
Laki sa layaw at hindi na handa
Anong tugon ng kabataan sa
agnitong pagkutya

Ang alay mo’y
nilisan na ng panahon
kumilos ng mga ubing
hukayin ang nakalibing na
alay mo

Sa pagdating ng unos ay lubus na
kinakailangang magtubos
aking dekadang binabatikos
karanasan ay kapos
‘Di raw tayo nakasama sa tunay na pagkilos
Ngayon, kaya ako’y nagtatala
Bagong kasaysayan aking ilalathala
Nang balang-araw mababalikan ko rin
Sa gunita ang mga kwento ay akin

Ang alay mo’y
nilisan na ng panahon
kumilos ng mga ubing
hukayin ang nakalibing na
alay mo

Naiwan ka na ba?
sabihin mo sa akin ang
layunin mo
Naiwan ka na ba?

Ang alay mo’y
nilisan na ng panahon
kumilos ng mga ubing
hukayin ang nakalibing

0 comments: