Abot ng kamay sabay yakap
Bulungan kamusta na kaibigan?
Ayos ba tayo jan?
Tapik sa balikat sabay kindat
Ingat, nag-aalala lang
Kala mo meron nga siyang pakialam
Pero pagkatalikodkanya-kanyang gawaan
Ng kwentong sino ang bida, sino ang lamang
Kanya- kanyann siraan, alam mo ba yan
Si ganyan supot yan, mas astig ako jan
At kung makatawa kala mo ang lupit lupit niya’t
Magaling sa lahat kaso ikaw na nakangiting nakikinig
Huwag ka ng manghusga ano ba naman
Ang pinagkaiba natin sa kanila
Nakakalimot nadudulas
Napupuno pero nagmamahal..
Nakakalungkot nakakatawa
Tao lang pero minsan
Daig mo pa ang ahas
Anong klaseng mukha kaya suot mo
Bukas daig mo pa ang ahas
Kaninong pwet kaya hahalikan mo bukas
Yan ka na naman kumakamada
Di ka na nahiya nagpupumilit
Makisiksik sa kahit di mo lungga
Di mo butas para maging pabigat
Manira managasa’t magpahirap ng kapwa
Balimbing na kumakapit sa kung sino lang
Ang mainit ngunit maskadiri’t
Mas mabaho ka pa sa basura
Kapag naubusan pagkatapos mong mabusog
Ay tinatangay na ng hangin kung sa bagay.
Para saan ba naman daw ang kaibigan
Kung hindi mo rin siya gagamitin
Nakakalimot nadudulas
Napupuno pero nagmamahal..
Nakakalungkot nakakatawa
Tao lang pero minsan
Daig mo pa ang ahas
Anong klaseng mukha kaya suot mo
Bukas daig mo pa ang ahas
Kaninong pwet kaya hahalikan mo bukas
Sinasayawan, sinasabayan
Ang ihip at sipol ng hangin
Nasilaw sa ilaw na dala ng panahon
Nakisawsaw sa balita para lang masabing andun siya
Nakiluksa sa drama ng iba
Kunwari naluha pa reklamo ng reklamo
Gago di naman pumaparehas
bidang bidang nakikisakay
Sa galing ng ibang olats
Daig mo pa ang ahas
Anong klaseng mukha kaya suot mo bukas
Daig mo pa ang ahas
Kaninong pwet kaya hahalikan mo bukas
sinasayawan sinasabayan
Ang ihip at sipol ng hangin
Greyhoundz: Doble kara
Jul 31, 2007
Posted by Webmaster at 3:29 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment