N’ong isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw
At ang Nanay at Tatay mo’y
Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pag-tulog mo
At sa gabi napupuyat ang iyong Nanay
Sa pag-timpla ng gatas mo
At sa umaga nama’y kalong ka ng iyong amang
Tuwang-tuwa sa ‘yo
Ngayon nga’y malaki ka na
At nais mo’y maging malaya
Di man sila payag walang magagawa
Ikaw nga’y biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo
At ang payo nila’y sinuway mo
Di mo man lang inisip
Na ang kanilang ginagawa’y para sa ‘yo
Pagkat ang nais mo’y masunod ang layaw mo
Di mo sila pinapansin
Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas mo’y naligaw
Ikaw ay nalulung sa masamang bisyo
At ang una mong nilapitan
Ang ‘yong Inang lumuluha
At ang tanong, anak ba’t ka nagkaganyan
At ang iyong mga mata’y
Biglang lumuha nang di mo napapansin
Pagsisisi ang sa isip mo’t nalaman mo ika’y nagkamali
Pagsisisi ang sa isip mo’t nalaman mo ika’y nagkamali
Pagsisisi ang sa isip mo’t nalaman mo ika’y nagkamali
Gary Valenciano: Anak
Jul 31, 2007
Posted by Webmaster at 3:01 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment