Mabuti pa si Hudas
Tatlumpung pirasong pilak lang ang tinanggap
Eh ikaw at ang mga apostoles mo
Pinagkanulo nyo na kami
Sa halagang humihigit na
Sa tatlumpung pirasong milyong dolyar
Utang, walang ginawa kundi umutang
Utang, uutang ng pambayad sa utang
Hindi mo na kami pinapakain
Nasa kalye na lang kami
Ayaw mo kaming papag-aralin
Kaya wala kaming nagagawa kundi ang
Magparami, magparami
Kami ay dumarami
Magparami, magparami
Kami ay dumarami
Hindi kami makapagpagamot
Kami tuloy napapakamot
Sa papales, kay dami nyong inaabot
Pero pagdating sa amin kakapiranggot
Kayo’y madamot, napakadamot
Ang damot-damot nyo
Napakadamot, napakadamot
Ang damot-damot nyo
Isang gabi, ako’y nanaginip
Wala na raw tayong problema
Wala na raw tayong kailangang bayaran
Dahil tayo’y pinaghatian na
Ng intsik, ng arabo
Mga hapon at mga amerikano
Ang pamana ng lupang dinilig ng dugo
Inangkin na ng kung sino-sino
Napakabaho, napakabaho
Ang baho-baho nyo
Mababaho, mababaho
Ang baho-baho nyo
Kailan nyo ba madidinig
Dugo na’ng ipinambabayad ko
Uutang na naman
Datu's Tribe: Utang na naman
Jul 28, 2007
Posted by Webmaster at 4:36 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment