Mamang kutsero
Sasakay po kaming magkasintahan sa kalesa n’yo
At lalakbay po saan man gusto,
Mula sa Luneta hanggang sa Ermita
Mamang kutsero
Nadama ko, kamay ng aking nobya sa balikat ko
‘Wag pong lilingon, baka mabangga pa tayo
O kay sarap mabuhay nang kay lumanay
Katulad ng kalesang kay bagal-bagal
Wala kang problemang mababangga
Kung dahan-dahanin, marami ang ani
O, mamang kutsero, naiinggit ako
Sa kabayo’t techni-color na kalesa n’yo
Kung nais n’yo magpalit na tayo,
Sa akin ang kalesa,
Inyo na ang nobya ko.
(Instrumental)
Kay sarap mabuhay nang kay lumanay
Katulad ng kalesang kay bagal-bagal
Wala kang problemang mababangga
Kung dahan-dahanin, marami ang ani
O, mamang kutsero, naiinggit ako
Sa kabayo’t techni-color na kalesa n’yo
Kung nais n’yo magpalit na tayo,
Sa akin ang kalesa,
Inyo na ang nobya ko.
Kung nais n’yo magpalit na tayo,
Sa akin ang kalesa,
Inyo na ang nobya ko.
APO Hiking Society: Mamang kutsero
Jul 27, 2007
Posted by Webmaster at 11:19 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment