APO Hiking Society: Blue Jeans

Jul 27, 2007

INTRO


Nandirito kami ngayon
Nagsusumikap sa araw-araw
Kayod nang kayod hanggang sa mapagod
Maagapan ang natatanaw


Paminsan-minsan ay naglalaro
Pag-ibig lang ang 'di ginagawang biro
Kung sa tuksuhan lang, hindi pahuhuli
Kinabukasan ay tinatabi


INTERLUDE


Paminsan-minsan ay nabibigo
Sakit sa puso ay hindi maitago
Ngunit tuloy pa rin, hindi pinapansin
Ang kabuhayan ay intindihin


INTERLUDE


I
(Blue jeans)
Alam mo ba ano ang ibig sabihin ng ating pagsisikap sa 'skwela
(Blue jeans)
Ba't 'di na lang iwanan ang pag-aaral at sama-sama tayong magsaya

Ngunit ang kabataan daw ay kayaman
'Wag daw basta't itapon at papabayaan
Kaya magsikap tayo habang may panahon at
Mag-aral at mag-ipon tayo ng karunungan


II
(Blue jeans)
Sige, sige, sige kayod sa 'skwela at balang araw makikita n'yo
(Blue jeans)
Pagkatapos ng iyong paghihirap, 'di ka rin makakahanap ng trabaho

Sino ba silang nagmamarunong sa buhay
Huwag sana silang makialam sa 'king buhay
Anong kinabukasan pagkatapos sa 'skwela
Huwag nang isipin at baka mangamba ka pa


CHORUS
Kay tagal-tagal ko nang nag-aaral
Tignan mo, kupas na'ng aking maong, hoo
Kung akala mo ako ay natuto na
Hindi pa rin

O kay tagal-tagal ko nang nag-aaral
Tignan mo, kupas na'ng aking maong, hoo
Kung akala mo ako ay natuto na
Hindi pa rin ('di pa rin, 'di pa rin, 'di pa rin)


[Repeat II]


(Blue jeans) [13x]
(Blue jeans) Ahh... [4x]

0 comments: