Spongecola: Harapin

Aug 3, 2007

Sa’n ka nakalingon, aking kaibigan
Hanggang kailan mo ito balak na iwasan
Ang panaho’y tumatakbong palayo
Tagilid, pag-asa ng ‘yong pagkakataong
Lumaban sa agos at tumawid

O anong magagawa ng maling nag-aakala
Pagmasdan mo ang mukha
Ng kung sinong pinagpala’t lagi nang nagtatanong
Sa kasama, laging may binubulong
Handa ka bang harapin ang bukas na magaganap

Bakit lagi kang nag-aalinlangan
Wala ka naman laging dapat patunayan
Lilinaw din ang himpapawid
May nakalaang daang matuwid
Makikita mo sa wakas kung anong dahilan

O anong magagawa ng maling nag-aakala
Pagmasdan mo ang mukha
Ng kung sinong pinagpala’t lagi nang nagtatanong
Sa kasama, laging may binubulong
Handa ka bang tumayo at manindigan

O anong magagawa ng maling nag-aakala
Pagmasdan mo ang mukha
Ng kung sinong pinagpala’t lagi nang nagtatanong
Sa kasama, laging may binubulong
Handa ka bang harapin ang bukas na magaganap

0 comments: