Hindi na tayo gagalaw
Hindi na tayo aabante
Ano kaya ang dahilan?
Construction ba o merong nagsalpukan?
Buti na lang may parating
Ayan naririnig ko na sa hangin
Sirenang sasagip satin
Tabi tabi po
Ambulansya
Ambulansya
‘sang binatilyo ang sakay
Akap ng nobya ngunit walang malay
Mahal niya ang magulang niya
Nais niya lamang sanang lumipad
Ortigas, Sucat at Libis
Sino ang hari ng bilis?
Malayo pa ang ospital
Sino ang hari?
Sino ang hari?
Ambulansya
Ambulansya
Hala, sige, tutukan mo
Pinasingit mo ta’s hinarangan mo
Kunwari’y kasama ka
Kunwari’y sasama ka
Sa wakas tayo’y lumaya rin
Sa wakas tayo’y tumutulin
Ambulansya
Ambulansya
Kasasabi mo pa lang na ang galing mo talaga
Biglang kumabig ang ambulansya
Hesusmaryosep sa gitna ng kalsada
Eighteen wheeler ang nakabalandra
Tapak ng preno tapakan mo
Di kakayanin
Sabi mo
Pikit lang tayo
Pikit lang tayo
Parang wala kong nadama
Parang wala kong narinig
Halik ng bubog sa pisngi
Tuhog ng bakal sa bungo
Hindi na tayo gagalaw
Hindi na tayo gagalaw
Rivermaya: Ambulansya
Aug 3, 2007
Posted by Webmaster at 12:29 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment