Ang aking bayan mahal ng kalikasan
Palaging may araw maghapon ang kwentuhan
Sa aking panahon may formalin na ang gulay
Mangidnap ng tao parang hanapbuhay
Mayro'n kaming xerex gigisignin ka sa sex
Moral naming babang-baba nangre-rape pati bata
Ito ang bayan ko ngayon
Ito ang aking panahon
Kung maaalala mo kami
Ito ang aking panahon
Sikat ang Pinatubo umalis mga kano
Ngunit ang isip namin G.I.Joe pa rin
Pagkatapos mag-aral takbo ay Amerika
Tingin namin sa bayan ay walang pag-asa
Salitang pagkakaisa ay narinig na namin
Ngunit di alam ang gagawin at kung anong ibig sabihin
Ito ang bayan ko ngayon
Ito ang aking panahon
Kung maaalala niyo kami
Ito ang aming panahon
Sa aking panahon uso ang mag-Saudi
Pag-uwi ay mayrong TV may blue seal ang barkada
May ilang linggo magbebenta na ulit
Pinayaman ibang bayan pamilya'y iiwanan
Kung marami sanang maka-Diyos sa gobyerno
At hindi na Diyos ang pera baka mayro'ng pag-asa
Ito ang bayan ko ngayon
Ito ang aking panahon
Kung maaalala niyo kami
Ito ang aming panahon
Kung maaalala (sana nga)
niyo kami (kabataan)
Ito ang aming panahon
Rey Valera: Sa aking panahon
Aug 2, 2007
Posted by Webmaster at 8:01 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment